Sektor ng Agrikultura

Magandang araw po ako nga pala si Adrian Guivencan na nag-aaral sa Lourdes National High School.Ngayon ibabahagi ko sa inyo kung:Ano ang AGRIKULTURA?Ano-ano ang mga kahalagan nito sa ating ekonomiya? Ano ang aking natutunan?reyalisasyon?at opinyon ko tungkol dito?


Ang agrikultura ay ang agham o kasanayan ng pagsasaka, kabilang ang paglilinang ng lupa para sa paglaki ng mga pananim at pag-aalaga ng mga hayop upang magbigay ng pagkain at iba pang mga produkto.


Natutunan ko sa sektor ng agrikultura na sinasabing malaking bahagi ng ekonomiya ang nakadepende dito.Ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa dito upang matugunan ang ating mga pangangailangan para mabuhay at mga hilaw na sangkap para sa bagong produkto.Ito ay nahahati sa apat na sub-sector:
-Paghahalaman(farming)-karaniwang kinokonsumo ito sa loob at labas ng bansa ang mga pananim na gaya ng palay,niyog,mais,saging,tubo,mangga,pinya,kape,abaka,at tabako.
-Paghahayupan(livestock)-ito ang pag-aalaga ng baboy,manok,baka,kambing at iba pa na nakatutulong sa pag-supply ng mga karne at iba pang mga pagkain.
-Pangingisda(fishery)-ito ang paghuli ng mga isda na nauuri  sa tatlo-komersiyal,munisipal at aquaculture.
-Paggugubat(forestry)-mahalaga itong pinagkukunan ng mga troso,tabla,plywood,at veneer na ang iba naman ay pinagkakitaan din.At meron din silang mga batas at mga patakaran at programang pangkaunlaran na ipinatupad.


Sa kahalagahan ng sektor na ito ay sinasabing ito ang pangunahing pinagmulan ng pagkain,pinagkukunan ng mga materyal para makabuo ng bagong produkto,pinagkukunan ng kitang panlabas,pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino,at pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod.


Sa opinyon ko dito ay kinakailangan nating pahalagahan ang ating mga kinakain at isipin na ito ay nagmula sa agrikultura para biguan ng prayoridad.Kaya malaki ang epekto nito sa agrikultura kung walang magpaprayoridad dito at tayo ay maapektuhan lalong-lalo na sa mga mamamayang Pilipino na nagtatrabaho dito.Baka isipin ng mga nagtatrabaho na magtrabaho sa ibang dahil walang bumigay ng pansin sa kanila.


Sa aking reyalisasyon sa sektor ng agrikultura ay ito ang mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa.Hindi madali ang kanilang mga ginagawa dahil meron ding silang mga problema na kinakaharap.Kaya nakakalungkot isipin na ito ay ating ipasintabi.


Nais ko sanang imungkahi sa sektor na ito na dapat ay bigyang prayoridad ang sektor na ito,dapat suportahan ito ng iba pang mga sektor,dapat wala nang gumagamit ng thrawl fishing,alagaan ang mga likas na yaman dahil ito ang mga pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap,at ang pang huli ay dapat na pagtuunan ito ng pansin sa pamahalaan dahil dito nagmula ang mga pagkain na ating kinakain at ating mga pangangailangan. 




Comments